Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 26:52-65

Mga Bilang 26:52-65 RTPV05

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hatiin mo ang lupain ayon sa laki ng bawat lipi. Malaki ang kaparte ng malaking lipi at maliit ang sa maliit na lipi. Ang kaparte ng bawat lipi ay ayon sa dami ng kanyang bilang. Ang lupain ay hahatiin sa pamamagitan ng palabunutan, sa pangalan ng bawat lipi. Ang pagtatakda ng kaparte ng bawat lipi ay dadaanin sa palabunutan.” Ang lipi naman ni Levi ay binubuo ng mga angkan nina Gershon, Kohat, at Merari. Kabilang din sa liping ito ang mga sambahayan ni Libni, Hebron, Mahli, Musi at Korah. Si Kohat ang ama ni Amram, na napangasawa ni Jocebed na kabilang din sa lipi ni Levi. Isinilang si Jocebed sa Egipto. Naging anak nila sina Aaron, Moises at Miriam. Naging anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Sina Nadab at Abihu ay namatay nang sila'y gumamit ng apoy na di karapat-dapat kay Yahweh. Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa gulang na isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain. Ito ang mga Israelitang binilang at inilista ni Moises at ng paring si Eleazar sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa may tapat ng Jerico. Dito'y walang kasama isa man sa mga Israelitang itinala nina Moises at Aaron noong sila'y nasa Bundok ng Sinai. Ang mga ito'y namatay, liban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun, tulad ng sinabi ni Yahweh.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Bilang 26:52-65

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya