“Dalhin mo ang tungkod na nasa harap ng Kaban ng Tipan at isama ninyo ni Aaron ang buong bayan sa harap ng malaking bato. Pagdating doon, magsalita ka sa bato at lalabas ang tubig para sa taong-bayan at sa kanilang mga alagang hayop.” Kinuha nga ni Moises ang tungkod mula sa Kaban ng Tipan. Tinipon nina Moises at Aaron sa harap ng malaking bato ang buong bayan. Sinabi niya, “Makinig kayo, mga mapanghimagsik. Gusto ba ninyong magpabukal pa kami ng tubig mula sa batong ito?” Pagkasabi noon, dalawang ulit na pinalo ni Moises ang bato sa pamamagitan ng tungkod. Biglang bumukal ang masaganang tubig at nakainom ang mga tao pati ang kanilang mga alagang hayop. Ngunit pinagsabihan ni Yahweh sina Moises at Aaron. Sabi niya, “Dahil kulang ang inyong pananalig sa akin na maipapakita ko sa mga Israelita na ako'y banal, hindi kayo ang magdadala sa bayang ito sa lupaing ibibigay ko sa kanila.” Nangyari ito sa bukal ng Meriba, kung saan nagreklamo ang Israel laban kay Yahweh at ipinakita niya na siya ay banal.
Basahin Mga Bilang 20
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Bilang 20:8-13
7 Mga araw
Ang pagtitiyaga ay ang susi upang ang ating pananampalatayang Kristiyano ay hindi mag-alinlangan sa gitna ng mahihirap na sitwasyon. Sasanayin din ng pagtitiyaga ang kakayahan ng ating pananampalataya at puso na maging handa sa pagtanggap ng mga himala ng Diyos. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad kasama ni Hesus", matututo tayong maging mga mananampalataya na laging nagtitiyaga sa anumang sitwasyon sa kapangyarihan ng mga salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas