“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon.” “Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Kaya't makikilala ninyo ang mga hindi tunay na propeta ayon sa kanilang mga gawa.” “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa iyong pangalan?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’” “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.” Namangha kay Jesus ang mga tao nang kanilang marinig ang mga katuruang ito sapagkat nagturo siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan.
Basahin Mateo 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 7:12-29
5 Mga araw
Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang araw na gabay sa pagbasa na ito ay nagpapakita ng mga labanan ng PAG-IBIG laban sa pagkamakasarili, mapanghusgang saloobin, pagkamuhi, pagpapawalang-sala sa sarili, at espirituwal na kapalaluan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 upang hikayatin tayo sa maging mga kampeon ng PAG-IBIG.
7 Days
Surrender to Jesus is a life-defining moment. But what does this decision mean and how do we live it each day? Is this only for the big decisions of life, or the super-spiritual person? Fear, previous failures, and misunderstanding can hold us back. "Go Do Say Give" is a pledge/prayer that unpacks how to take the next steps in your spiritual journey. Experience the freedom that comes with following Jesus.
We’re all chasing something. Usually something just out of reach—a better job, a more comfortable home, a perfect family, the approval of others. But isn’t this tiring? Is there a better way? Find out in this new Life.Church Bible Plan, accompanying Pastor Craig Groeschel’s message series, Chasing Carrots.
7 araw
Ang masaya at puno ng layunin na buhay ay nakasalig sa mga relasyon, pagmamahal at pananampalataya. Kung naghahanap ka ng higit na kalinawan kaugnay sa plano ng Diyos para sa iyong buhay, gamitin ang planong ito upang makatulong sa pagtuon ng iyong hangarin at pagtuklas. Hango sa librong, "Out of This world: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas