Pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Pakinggan ninyo at unawain ang aking sasabihin. Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.” Pagkatapos, lumapit naman ang mga alagad at sinabi sa kanya, “Hindi po ba ninyo alam na nasaktan ang mga Pariseo sa sinabi ninyo?” Sumagot siya, “Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin. Hayaan ninyo sila. Sila'y mga bulag na tagaakay ng mga bulag; at kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.” Sinabi sa kanya ni Pedro, “Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhagang ito.” At sinabi ni Jesus, “Pati ba kayo'y wala ring pang-unawa? Hindi ba ninyo nalalaman na anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan at pagkatapos ay idinudumi? Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso. Iyan ang nagpaparumi sa tao. Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. Iyan ang nagpaparumi sa tao sa paningin ng Diyos. Hindi nagiging marumi ang isang tao kung siya man ay kumain nang hindi muna naghuhugas ng kamay sa paraang naaayon sa minanang katuruan.”
Basahin Mateo 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 15:10-20
5 Days
Just as a physically unhealthy heart can destroy your body, an emotionally and spiritually unhealthy heart can destroy you and your relationships. For the next five days, let Andy Stanley help you look within yourself for four common enemies of the heart — guilt, anger, greed, and jealousy — and teach you how to remove them.
5 days
Guardrails are put in place to keep our vehicles from straying into dangerous or off-limit areas. We often don’t see them until we need them—and then we’re sure thankful they’re there. What if we had guardrails in our relationships, finances, and careers? What might those look like? How might they keep us from future regrets? For the next five days, let’s explore how to set up personal guardrails.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas