“Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik. Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan. “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya. “Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon. “At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”
Basahin Mateo 13
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 13:18-23
9 na Araw
Si Hesus ay gumamit ng mga praktikal at malikhaing kuwento para ihayag ang kaharian ng Diyos. Sa gabay na ito na may siyam na bahagi, bawat araw ay may maikling video na nakatuon sa isa sa mga aral ni Hesus.
14 Mga araw
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
29 Days
God uses our questions to make us know Him. I am convinced that none of the wisdom of this world could provide adequate answers to our questions. I believe that God reveals to us a better way of finding solutions to our problems and hope for our disquieted spirit. They are all ours for the asking. And they are revealed in the Bible, the Word of God. Go! Find the answers to your questions. And do it straight from the Word!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas