Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya: “May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito at sinakal ang mga binhing tumubo doon. Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. Makinig ang may pandinig!” Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit po ninyo dinadaan sa talinhaga ang inyong pagtuturo sa kanila?” Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila.
Basahin Mateo 13
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 13:1-11
9 na Araw
Si Hesus ay gumamit ng mga praktikal at malikhaing kuwento para ihayag ang kaharian ng Diyos. Sa gabay na ito na may siyam na bahagi, bawat araw ay may maikling video na nakatuon sa isa sa mga aral ni Hesus.
29 Days
God uses our questions to make us know Him. I am convinced that none of the wisdom of this world could provide adequate answers to our questions. I believe that God reveals to us a better way of finding solutions to our problems and hope for our disquieted spirit. They are all ours for the asking. And they are revealed in the Bible, the Word of God. Go! Find the answers to your questions. And do it straight from the Word!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas