Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 5:36-38

Lucas 5:36-38 RTPV05

Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinhaga, “Walang sumisira ng bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ganoon ang ginawa, masasayang ang bagong damit at ang tagping mula rito ay hindi naman babagay sa damit na luma. Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ganoon ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang lumang sisidlan, matatapon ang alak at masisira ang sisidlan. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak.