Ngunit sinagot ito ni Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay.’ Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa ilang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa buong daigdig. Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang pamamahala sa lahat ng kahariang ito at ang kadakilaan nito. Ipinagkaloob ito sa akin, at maibibigay ko sa kaninumang naisin ko. Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging sa iyo na ang lahat ng ito.” Sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’” Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka dahil nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’ at ‘Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.’” Subalit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos!’”
Basahin Lucas 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 4:4-12
5 Days
As Christ followers, we all prefer mountaintop experiences in our faith. But, it’s usually in the spiritual valleys where we learn and grow, and where our faith expands. After reading this 5-day Plan, you’ll have the insight to handle these spiritual bleak times with grace and hope and be encouraged that God is working in them even if you don’t feel it.
7 Days
We’re all chasing something. Usually something just out of reach—a better job, a more comfortable home, a perfect family, the approval of others. But isn’t this tiring? Is there a better way? Find out in this new Life.Church Bible Plan, accompanying Pastor Craig Groeschel’s message series, Chasing Carrots.
Lent: a 40-day season of reflection and repentance. It’s a nice thought, but what does practicing Lent actually look like? Over the next 7 days, discover five spiritual habits you can start doing during Lent to help you prepare your heart for Resurrection Sunday—and beyond.
29 Araw
Ipinaalam ng mga nakasaksi ang mabuting balita na sinabi ni Lucas tungkol sa kuwento ni Jesus mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan hanggang sa pagkabuhay-muli; Isinalaysay din ni Lucas ang Kanyang mga turo na nagpabago sa mundo. Araw-araw na paglalakbay kay Lucas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas