Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 23:50-54

Lucas 23:50-54 RTPV05

May isang lalaki roon na ang pangala'y Jose. Siya'y taga-Arimatea, isang bayan sa Judea. Mabait at matuwid ang taong ito, at isa siya sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Kahit na siya'y kagawad ng Sanedrin, hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Jesus. Nagpunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. Ibinabâ niya ang bangkay, binalot sa telang mamahalin at inilagay sa isang libingang inuka sa bato na hindi pa napaglilibingan. Araw noon ng Paghahanda at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga.