Gaya ng kanyang kinagawian, umalis si Jesus at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo kasama ang mga alagad. Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila, mga isang pukol ng bato ang layo, at doo'y lumuhod at nanalangin. Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” [Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya. Dala ng matinding hinagpis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim, at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang malalaking patak ng dugo.] Pagkatapos manalangin, siya'y tumayo at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa labis na kalungkutan. “Bakit kayo natutulog?” tanong niya. “Bumangon kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso.”
Basahin Lucas 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 22:39-46
5 Days
What is God’s will? We’ve all wondered that at some point in our lives. Sometimes while we wait to know what it is, we find ourselves paralyzed. The Bible is our guide to understanding more about this topic. We’ll discuss different aspects of God’s will over this five-day Plan.
8 Days
It’s hard to imagine what Jesus was thinking and feeling in the days leading to cross, but one thing we do know—his trust and assurance in the goodness and faithful love of God. Take a journey this Holy Week through the gospels, walk with Jesus, ask God a simple question, and encounter the vast love of God.
29 Araw
Ipinaalam ng mga nakasaksi ang mabuting balita na sinabi ni Lucas tungkol sa kuwento ni Jesus mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan hanggang sa pagkabuhay-muli; Isinalaysay din ni Lucas ang Kanyang mga turo na nagpabago sa mundo. Araw-araw na paglalakbay kay Lucas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas