Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinhagang ito. “Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan? Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.” “O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't magsisindi siya ng ilawan, wawalisan ang buong bahay at hahanaping mabuti ang nawawalang salapi hanggang sa ito'y kanyang makita? Kapag nakita na niya ito, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nakita ko na ang nawawala kong salaping pilak!’ Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”
Basahin Lucas 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 15:3-10
5 Days
Forgiveness is a process. It takes time, costly and hard. It is restoring of relationships by releasing a painful past with an attitude of love. Nothing keeps us in bondage to the past as much as our unwillingness to forgive. Refusal to forgive leads to bitterness of the soul. Forgiveness is freedom from bitterness and the propensity to get even. It reopens the future of new beginnings – a restart.
5 Mga araw
Natapos na ang Pasko pero mayroon namang dumating na bagong taon. Kaya huwag nating kalimutan na nilalaman rin ng awiting, "Ang Pasko ay Sumapit," ang mga salitang ito tungkol sa New Year: “Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo’y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan.” Paano ba magbagong buhay?
7 days
Can you imagine feeling so seen by God that you can’t help but see others? Can you imagine your everyday, ordinary life having a significant eternal impact? This 7-day devotional from Christine Caine will help you discover how God has seen you, chosen you, and sent you to see others and to help them feel seen the way God sees them—with 20/20 vision.
7 Araw
Sa simula ng bawat taon, maglaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Sa panahong ito, tingnan natin kung paano tayo tinawag ng Diyos na tanggapin ang Kanyang biyaya upang tayo ay maging banal at mamuhay para kay Cristo.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas