“Kung ang nagkasala nang di sinasadya ay isang karaniwang tao dahil lumabag siya sa utos ko at malaman niya ito pagkatapos, maghahandog siya ng isang babaing kambing na walang kapintasan. Ipapatong niya sa ulo ng kambing ang kanyang kamay at papatayin niya ito doon sa lugar na patayan ng mga handog na sinusunog. Kukuha ng dugo ang pari at sa pamamagitan ng kanyang daliri'y papahiran niya ang mga sungay ng altar. Ibubuhos niya sa paanan nito ang natirang dugo. Kukuning lahat ang taba nito, tulad ng taba ng handog pangkapayapaan at dadalhin sa altar. Ito'y susunugin ng pari bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh. Sa ganitong paraan, matutubos ang kasalanan ng taong iyon. “Kung ang handog para sa kasalanan ay isang tupa, kailanga'y babaing walang kapintasan. Ipapatong niya sa ulo ng tupa ang kanyang kamay at papatayin ito sa pinagpapatayan ng handog na susunugin. Kukuha ng kaunting dugo ang pari, at sa pamamagitan ng kanyang daliri ay papahiran niya ang mga sungay ng altar na pinagsusunugan ng mga handog. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar. Kukunin niya ang lahat ng taba nito gaya ng ginagawa sa taba ng tupang handog pangkapayapaan at dadalhin sa altar. Kasama ng pagkaing handog, susunugin ito ng pari para matubos ang kasalanan ng naghandog.
Basahin Levitico 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Levitico 4:27-35
31 Araw
Paano tayo dapat lumapit sa isang banal na Diyos? Sa pagsamba, paghahain, at pagpipitagan, sinasagot ng Levitico ang tanong na iyan para sa sinaunang Israel. Araw-araw na paglalakbay sa Leviticus habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas