“Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, pagkatapos ng pag-aani, pitong araw pa kayong magpipista para kay Yahweh. Huwag kayong magtatrabaho sa una at ikawalong araw. Sa unang araw, pipitas kayo ng mabubuting bungangkahoy, mga sanga ng palmera at mayayabong na sanga ng kahoy sa tabing-ilog. Pitong araw kayong magdiriwang bilang parangal kay Yahweh na inyong Diyos. Ang pistang ito ay ipagdiriwang ninyo sa loob ng pitong araw tuwing ikapitong buwan taun-taon. Ito ay tuntuning susundin ninyo habang panahon. Sa buong panahon ng pistang ito, lahat ng Israelita ay sa tolda maninirahan upang malaman ng inyong mga anak na sa mga tolda tumira ang mga Israelita nang ilabas ko sila sa Egipto. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.”
Basahin Levitico 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Levitico 23:39-43
31 Araw
Paano tayo dapat lumapit sa isang banal na Diyos? Sa pagsamba, paghahain, at pagpipitagan, sinasagot ng Levitico ang tanong na iyan para sa sinaunang Israel. Araw-araw na paglalakbay sa Leviticus habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas