Levitico 18:22-23
Levitico 18:22-23 RTPV05
Huwag kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal. Huwag kayong makipagtalik sa alinmang hayop sapagkat durungisan ninyo ang inyong sarili kung gagawin ninyo ito. Hindi rin dapat pasiping ang sinumang babae sa anumang hayop; ito ay kasuklam-suklam.

