Levitico 18:22-23 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Levitico 18:22-23 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Huwag kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal. Huwag kayong makipagtalik sa alinmang hayop sapagkat durungisan ninyo ang inyong sarili kung gagawin ninyo ito. Hindi rin dapat pasiping ang sinumang babae sa anumang hayop; ito ay kasuklam-suklam.
Levitico 18:22-23 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Huwag kang sumiping sa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae dahil kasuklam-suklam ito. Huwag kang sumiping sa hayop dahil ito ay napakasama at ikaw ay ituturing na marumi kapag ginawa mo iyon.
Levitico 18:22-23 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Huwag kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal. Huwag kayong makipagtalik sa alinmang hayop sapagkat durungisan ninyo ang inyong sarili kung gagawin ninyo ito. Hindi rin dapat pasiping ang sinumang babae sa anumang hayop; ito ay kasuklam-suklam.
Levitico 18:22-23 TLAB (Ang Biblia)
Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga. At huwag kang sisiping sa anomang hayop na magpapakadumi riyan: ni ang babae ay huwag lalagay sa harap ng hayop upang pasiping: kahalayhalay nga.
Levitico 18:22-23 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))