Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 2:20-21

Mga Panaghoy 2:20-21 RTPV05

Yahweh, tingnan mo kung sino ang iyong pinaparusahan. Matuwid bang kainin ng mga babae ang kanilang supling, na sa kanila rin naman nanggaling? O dapat bang patayin sa templo ang pari at ang propeta? Naghambalang sa mga lansangan ang patay, bata't matanda, dalaga't binata. Nilipol mo sila nang araw na ikaw ay magalit; walang awa mo silang pinatay.