at naghihingalo na. Nang mabalitaan niyang bumalik si Jesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito at pinakiusapang pumunta sa Capernaum upang pagalingin ang kanyang anak. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Hangga't hindi kayo nakakakita ng mga himala at mga kababalaghan, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.” Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Panginoon, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot si Jesus, “Umuwi na kayo, gagaling ang inyong anak.” Naniwala ang lalaki sa sinabi ni Jesus, at umuwi na nga siya. Sa daan pa lamang ay sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing gumaling na ang kanyang anak. Tinanong niya ang mga iyon, “Anong oras nang bumuti ang kalagayan niya?” “Ala-una po kahapon nang siya'y mawalan ng lagnat,” tugon nila. Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, “Gagaling ang inyong anak.” Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.
Basahin Juan 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Juan 4:47-53
9 na Araw
Pag-aralan ang mga himalang ginawa ni Hesus na pawang nagpakilala ng Kaniyang pagiging Anak ng Diyos. Mapapanood ang isang maikling video ng natatanging himala sa bawat araw ng gabay na ito.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas