Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 11:55-57

Juan 11:55-57 RTPV05

Nalalapit na ang Pista ng Paskwa. Maraming taga-lalawigan ang pumunta sa Jerusalem bago sumapit ang kapistahan upang isagawa ang seremonya ng paglilinis. Hinahanap nila si Jesus sa Templo, at sila'y nagtatanungan, “Ano sa palagay ninyo? Paparito kaya siya sa pista?” Ipinag-utos ng mga punong pari at ng mga Pariseo na ipagbigay-alam sa kanila ng mga tao kapag nalaman nila kung nasaan si Jesus upang ito'y maipadakip nila.