Marami sa mga Judiong dumalaw kina Maria ang nakakita sa ginawa ni Jesus, at sumampalataya sila sa kanya. Ngunit may ilan sa kanila na pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa ni Jesus. Kaya't tinipon ng mga punong pari at mga Pariseo ang mga kagawad ng Sanedrin. Kanilang sinabi, “Ano ang gagawin natin? Gumagawa ng maraming himala ang taong ito. Kung siya'y pababayaan nating magpatuloy sa kanyang mga ginagawa, maniniwala sa kanya ang lahat. Paparito ang mga Romano at wawasakin ang Templo at pahihirapan ang ating bansa.” Ngunit ang isa sa kanila, si Caifas na siyang pinakapunong pari noon, ay nagsabing, “Wala kayong alam! Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, kaysa mapahamak ang buong bansa?” Hindi mula sa kanyang sarili ang sinabi niyang ito. Bilang pinakapunong pari nang taon na iyon, ipinahayag niyang dapat mamatay si Jesus alang-alang sa kanilang bansa upang tipunin ang mga nakakalat na mga anak ng Diyos. Mula noon, pinag-isipan na nila kung paano maipapapatay si Jesus.
Basahin Juan 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Juan 11:45-53
9 na Araw
Pag-aralan ang mga himalang ginawa ni Hesus na pawang nagpakilala ng Kaniyang pagiging Anak ng Diyos. Mapapanood ang isang maikling video ng natatanging himala sa bawat araw ng gabay na ito.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas