Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 1:40-42

Juan 1:40-42 RTPV05

Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. Unang hinanap ni Andres ang kanyang kapatid na si Simon. Sinabi niya rito, “Nakita na namin ang Mesiyas!” (Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo). At isinama ni Andres si Simon kay Jesus. Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefas” (na ang kahulugan ng pangalang ito ay Pedro).