Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 1:9-14

Jeremias 1:9-14 RTPV05

Pagkatapos, iniunat ni Yahweh ang kanyang kamay, hinipo ang aking mga labi, at sinabi, “Ngayon ay ibinigay ko na sa iyo ang mga mensaheng dapat mong sabihin. Ibinibigay ko rin ngayon sa iyo ang kapangyarihang mangaral sa mga bansa at kaharian, upang sila'y bunutin at ibagsak, wasakin at itapon, itayo at itanim.” Tinanong ako ni Yahweh, “Jeremias, ano ang nakikita mo?” “Sanga po ng almendra,” sagot ko. “Tama ka,” ang sabi ni Yahweh, “sapagkat ako'y magbabantay upang matiyak na matutupad nga ang aking mga sinasabi.” Muli akong tinanong ni Yahweh, “Ano pa ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isa pong kalderong kumukulo ang laman at halos tumagilid na mula sa gawing hilaga.” At sinabi niya sa akin, “Mararanasan ng lahat ng naninirahan sa lupaing ito ang isang pagkawasak na magmumula sa hilaga.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Jeremias 1:9-14

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya