Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Santiago 4:5-7

Santiago 4:5-7 RTPV05

Huwag ninyong akalaing walang kabuluhan ang sinasabi sa kasulatan, “Ayaw ng espiritung ibinigay sa atin ng Diyos na siya'y may kaagaw sa ating pag-ibig.” Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay niya sa atin. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagpakumbabá.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito.