Mula kay Santiago, alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa labindalawang liping hinirang ng Diyos na nasa iba't ibang bansa. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat. Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.
Basahin Santiago 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Santiago 1:1-8
5 Araw
Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.
16 Araw
Kung ikaw ay isang mananampalataya kay Jesu-Kristo, kung gayon ang iyong mga aksyon ay dapat na sumasalamin sa iyong bagong buhay; ilagay ang iyong pananampalataya sa pagkilos. Araw-araw na paglalakbay kay James habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
28 Days
Do you feel overwhelmed, dissatisfied, and stuck in a rut? Wishing your day-to-day life could improve? God's Word is your guide to brighter days. During this 28-day reading plan, you will discover ways you can go from living just a good life to living the type of better life that God desires you to have.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas