Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz: “Humingi ka ng palatandaan kay Yahweh na iyong Diyos, maging ito ay buhat sa malalim na libingan o sa kaitaasan ng langit.” Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko po susubukin si Yahweh.” At sinabi ni Isaias: “Makinig kayo, sambahayan ni David! Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao, at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok? Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. Gatas at pulot ang kanyang kakainin kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin. Ikaw at ang iyong bayan, pati na ang sambahayan ng iyong ama ay ipapasakop ni Yahweh sa hari ng Asiria. Pagdaranasin ka nito ng paghihirap na kailanma'y hindi mo pa nararanasan mula nang humiwalay ang Efraim sa Juda.
Basahin Isaias 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 7:10-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas