Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya. Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway; sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa; upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa. Muli nilang itatayo ang mga sirang lunsod, na napakatagal nang wasak at tupok. Paglilingkuran kayo ng mga dayuhan, at sila ang magpapastol ng inyong mga kawan; mga dayuhan din ang magsasaka ng inyong lupain at mag-aalaga ng inyong ubasan.
Basahin Isaias 61
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 61:1-5
5 Days
When Kim's three-year-old son passed away, she found plenty of resources on grieving. She says what she really needed, though, “was someone who would give me advice for living, not just grieving.” In this five-day devotional, Kim will share a raw vulnerability, a deep well of wisdom, and the knowledge of someone who’s been there as she walks grieving parents through the life-after-death process and surviving the sorrow of loss.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas