Kawawa kayo na laging naghahangad ng maraming bahay at malawak na mga bukirin, hanggang mawalan na ng lugar ang ibang mga tao, at kayo na lamang ang naninirahan sa lupain. Sinabi sa akin ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat: Maraming tirahan ang mawawasak; malalaki at magagandang mga tahanan, sira at wasak na ito'y iiwan. Sa bawat walong ektaryang ubasan, dalawampu't dalawang litrong alak lamang ang makukuha; sa bawat sampung kabang inihasik, limang salop lamang ang aanihin. Kawawa ang maaagang bumangon na nagmamadali upang makipag-inuman; inaabot sila ng hatinggabi hanggang sa malasing! Tugtog ng lira sa saliw ng alpa; tunog ng tamburin at himig ng plauta; saganang alak sa kapistahan nila; ngunit mga ginawa ni Yahweh ay hindi nila inunawa.
Basahin Isaias 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 5:8-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas