Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 49:6-7

Isaias 49:6-7 RTPV05

Sinabi sa akin ni Yahweh: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi, gagawin din kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas.” Ganito ang sinabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel, sa itinakwil at kinamuhian ng mga bansa at inalipin ng mga pinuno: “Makikita ng mga hari ang pagpapalaya sa iyo; sila'y titindig bilang pagpaparangal sa iyo. At yuyukod ang mga prinsipe bilang paggalang sa iyo, sapagkat hinirang ka ni Yahweh, ang banal na Diyos ng Israel.”