“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan. Aking binibigo ang mga sinungaling na propeta at ang mga manghuhula; ang mga marurunong ay ginagawang mangmang, at ang dunong nila'y ginawang kahangalan. Ngunit ang pahayag ng mga lingkod ko'y pawang nagaganap, at ang mga payo ng aking mga sugo ay natutupad; ako ang maysabing darami ang tao sa Jerusalem, muling itatayo ang mga gumuhong lunsod sa Juda. Isang utos ko lamang, natutuyo ang karagatan. Ang sabi ko kay Ciro, ‘Ikaw ang gagawin kong tagapamahala. Susundin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo. Ang Jerusalem ay muli mong ipatatayo, gayundin ang mga pundasyon ng Templo.’”
Basahin Isaias 44
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 44:24-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas