Sinabi ni Yahweh, “Ikaw Jacob, na lingkod ko, ako ay pakinggan; lahi ni Israel, ang pinili kong bayan! Akong si Yahweh ang sa iyo ay lumalang; tinulungan na kita mula nang ikaw ay isilang. Huwag kang matakot, ikaw na aking lingkod, ang bayan kong minamahal. Aking ibubuhos ang saganang tubig sa uhaw na lupa, sa tuyong lupa maraming batis ang padadaluyin. Ibubuhos ko sa iyong mga anak ang aking Espiritu, at ang mga liping susunod sa iyo ay pagpapalain. Sila ay sisibol tulad ng damong sagana sa tubig, sila'y dadaloy tulad ng halaman sa tabi ng batis. Bawat isa'y magsasabing, ‘Ako ay kay Yahweh.’ Sila ay darating upang makiisa sa Israel. Itatatak nila sa kanilang mga bisig ang pangalan ni Yahweh, at sasabihing sila'y kabilang sa bayan ng Diyos.”
Basahin Isaias 44
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 44:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas