Isaias 40:1-5
Isaias 40:1-5 RTPV05
“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila! Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.” Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang. Tambakan ang mga libis, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh, at makikita ito ng lahat ng tao. Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”



