Mawawala na ang kinatatakutang mga dayuhang tiktik at maniningil ng buwis. Mawawala na rin ang mga palalong dayuhan na hindi maunawaan kung anong sinasabi. Masdan mo ang Zion, ang pinagdarausan natin ng mga kapistahan! Masdan mo rin ang Jerusalem, mapayapang lugar, magandang panahanan. Ito'y parang matatag na toldang ang mga tulos ay nakabaon nang malalim at ang mga lubid ay hindi na kakalagin. Ang kaluwalhatian ni Yahweh ay ihahayag sa atin. Maninirahan tayo sa baybayin ng malalawak na ilog at batis na hindi mapapasok ng sasakyan ng mga kaaway.
Basahin Isaias 33
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 33:18-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas