Kaya ito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel: “Tinanggihan mo ang aking salita, at sa pang-aapi at pandaraya ka nagtiwala. Kaya darating sa iyo ang malagim na wakas, tulad ng pagguho ng isang marupok na pader na bigla na lamang babagsak. Madudurog kang parang palayok na ibinagsak nang walang awa; wala kahit isang pirasong malalagyan ng apoy, o pansalok man lamang ng tubig sa balon.” Sinabi pa ng Panginoong Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, “Maliligtas kayo kapag kayo'y nagbalik-loob at nagtiwala sa akin; kayo'y aking palalakasin at patatatagin.” Ngunit kayo'y tumanggi.
Basahin Isaias 30
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 30:12-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas