Kaya't makinig kayong mabuti sa kanya na nagsasalita. Ang tumangging makinig sa nagsalita sa kanila dito sa lupa ay hindi nakaligtas sa parusa! Gaano pa kaya tayo, kung tayo'y tatangging makinig sa nagsasalita mula sa langit! Dahil sa kanyang tinig, nayanig noon ang lupa; ngunit ipinangako niya ngayon, “Minsan ko pang yayanigin, hindi lamang ang lupa, pati na rin ang langit.” Ang mga salitang “Minsan pa” ay maliwanag na nagsasabing aalisin ang mga nilikhang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig. Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi mayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot, sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok.
Basahin Mga Hebreo 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 12:25-29
10 Days
Wrestling with faith and doubt can be profoundly lonely and isolating. Some suffer in silence while others abandon belief altogether, assuming doubt is incompatible with faith. Dominic Done believes this is both tragic and deeply mistaken. He uses Scripture and literature to argue that not only is questioning normal but it is often a path toward a rich and vibrant faith. Explore faith and doubt in this 10-day plan.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas