Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya. Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay mula sa mga hindi nakikita. Dahil sa pananampalataya sa Diyos, si Abel ay nag-alay ng mas mabuting handog kaysa sa inihandog ni Cain. Kaya naman, si Abel ay kinilalang matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang handog. Kahit patay na siya, nagsasalita pa siya sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Diyos. Dahil sa pananampalataya sa Diyos, si Enoc ay hindi nakaranas ng kamatayan. Hindi na siya nakita sapagkat kinuha siya ng Diyos. Sinasabi sa kasulatan na si Enoc ay naging kalugud-lugod bago siya kinuha ng Diyos. Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya. Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari ngunit hindi pa niya nakikita. Gumawa siya ng isang malaking barko upang siya at ang kanyang pamilya ay maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahatulan ang sanlibutan, ngunit si Noe ay ibinilang na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.
Basahin Mga Hebreo 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 11:1-7
7 Araw
Ang isa sa mga pinaka-karaniwang problema sa mabilis na lipunan na ating tinitirhan ay kung paano magkakaroon ng balanse sa pagitan ng personal, pampamilya at propesyonal na buhay kung saan nais nating magwagi sa lahat ng mga aspeto na ito. Ito ay kadalasang lumilikha ng tensyon, hindi kailangang stress na nagreresulta sa pagkakaroon ng hindi malusog, at puno ng stress na trabaho at nagdudulot sa atin upang hindi maging produktibo. Ang paggamit ng propyetaryong 7F's Well-Being Model ay makatutulong sa atin upang isaayos ang ating buhay upang mapamahalaan ito nang mabuti at maging mga manggagawa at mapahusay ang ating mga relasyon sa pamilya.
7 araw
Ang masaya at puno ng layunin na buhay ay nakasalig sa mga relasyon, pagmamahal at pananampalataya. Kung naghahanap ka ng higit na kalinawan kaugnay sa plano ng Diyos para sa iyong buhay, gamitin ang planong ito upang makatulong sa pagtuon ng iyong hangarin at pagtuklas. Hango sa librong, "Out of This world: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.
12 Days
This Bible Plan is for anyone who’s hurting and doesn’t understand why. If you’ve lost something, someone, or your faith feels stretched to the breaking point, then this Bible Plan from Life.Church Pastor Craig Groeschel’s book, Hope in the Dark, might be exactly what you need. If you want to believe, but you’re not sure how, this is for you.
24 Days
There’s no way you can be all God wants you to be and fulfill the purposes that you were put on this planet to fulfill without any help. We need each other, and we belong to each other in the Body of Christ! In this series, Pastor Rick explains how to do life in relationship to other people.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas