Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan. Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at pagkatapos ay umupo na sa kanan ng Diyos. Ngayo'y naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga pinaging-banal ng Diyos. Ang Espiritu Santo'y nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Sinabi niya, “Ganito ang gagawin kong kasunduan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.”
Basahin Mga Hebreo 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 10:11-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas