Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk: O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga. Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon. Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit. Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman, ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian, at puno ang lupa ng papuri sa kanya. Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan. Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya. Huminto siya at nayanig ang lupa; sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa. Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat; ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog— mga daang nilakaran niya noong unang panahon. Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan, at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian. Nagagalit ba kayo dahil sa mga ilog, O Yahweh? Ang mga dagat ba ang sanhi ng inyong poot? Nakasakay kayo sa inyong mga kabayo, at magtatagumpay na lulan ng iyong karwahe, habang pinagtatagumpay ninyo ang inyong bayan. Binunot ninyo sa suksukan ang inyong pana, at inihanda ang inyong mga palaso. Biniyak ng inyong kidlat ang lupa. Nakita kayo ng mga bundok at sila'y nanginig; bumuhos ang malakas na ulan. Umapaw ang tubig mula sa kalaliman, at tumaas ang along naglalakihan. Ang araw at ang buwan ay huminto dahil sa bilis ng inyong pana at sibat. Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig, at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan. Lumabas kayo para iligtas ang inyong bayan, at ang haring pinili ninyo. Dinurog ninyo ang pinuno ng masasama, at nilipol na lahat ang kanyang tagasunod. Sinibat ninyo ang pinuno ng mga mandirigma, nang dumating sila na parang ipu-ipo upang kami'y pangalatin. Kagalakan nilang sakmalin nang palihim ang mga dukha. Niyurakan ninyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong mga kabayo, at bumula ang malawak na karagatan.
Basahin Habakuk 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Habakuk 3:1-15
10 Araw
Nagtanong si Habakkuk ng isang malaking “bakit, Diyos?” Sa simula ng isang serye ng mga tanong at sagot sa diyos tungkol sa kung paano siya gumagana sa isang masamang mundo. Araw-araw na paglalakbay sa Habakkuk habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
12 Days
This Bible Plan is for anyone who’s hurting and doesn’t understand why. If you’ve lost something, someone, or your faith feels stretched to the breaking point, then this Bible Plan from Life.Church Pastor Craig Groeschel’s book, Hope in the Dark, might be exactly what you need. If you want to believe, but you’re not sure how, this is for you.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas