Pagkatapos ay sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan, “Masdan mo ang mga bansang nakapalibot sa iyo at mamamangha ka at magugulat sa iyong makikita. Hindi magtatagal at mayroon akong gagawing hindi mo paniniwalaan kapag nabalitaan mo. Papalakarin ko sa kapangyarihan ang mga taga-Babilonia— ang bansang kilala sa kalupitan at karahasan. Sinasalakay nila ang lahat ng dako ng daigdig upang sakupin ang lupaing hindi kanila. Naghahasik sila ng takot at sindak; ipinagmamapuri nila na sila mismo ang batas. Ang mga kabayo nila'y mas mabibilis kaysa mga leopardo, mas mababangis kaysa mga asong-gubat pagsapit ng gabi. Ang kanilang mga mangangabayo ay rumaragasa mula sa malalayong lupain; para silang mga agila na dumadagit sa kanilang biktima. Ang kanilang mga hukbo ay marahas na sumasalakay, at lahat ay nasisindak habang sila'y nananakop. Di mabilang na parang buhangin ang kanilang mga bihag. Hinahamak nila ang mga hari, at walang pinunong iginagalang. Pinagtatawanan lamang nila ang bawat muog, sapagkat ito'y kanilang nilulusob at madaling nakukuha. Pagkatapos ay nagpapatuloy silang parang malakas na hangin; walang dinidiyos kundi ang sarili nilang lakas.”
Basahin Habakuk 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Habakuk 1:5-11
10 Araw
Nagtanong si Habakkuk ng isang malaking “bakit, Diyos?” Sa simula ng isang serye ng mga tanong at sagot sa diyos tungkol sa kung paano siya gumagana sa isang masamang mundo. Araw-araw na paglalakbay sa Habakkuk habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas