Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 32:22-31

Genesis 32:22-31 RTPV05

Nang gabi ring iyon, gumising si Jacob at itinawid sa Ilog Jabok ang dalawa niyang asawa, labing-isang anak at dalawang asawang-lingkod. Pagkatapos maitawid ang lahat niyang ari-arian, naiwang mag-isa si Jacob. Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa pagbubukang-liwayway. Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya madadaig si Jacob, hinampas niya ito sa balakang at ang buto nito'y nalinsad. Sinabi ng lalaki, “Bitiwan mo na ako at magbubukang-liwayway na!” “Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo ako binabasbasan,” wika ni Jacob. Tinanong ng lalaki kung sino siya, at sinabi niyang siya'y si Jacob. Sinabi sa kanya ng lalaki, “Mula ngayo'y Israel na ang itatawag sa iyo, at hindi na Jacob, sapagkat nakipagbuno ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.” “Ano namang pangalan ninyo?” tanong ni Jacob. “Bakit gusto mo pang malaman?” sagot naman ng lalaki. At binasbasan niya si Jacob. Sinabi ni Jacob, “Nakita ko ang mukha ng Diyos, gayunma'y buháy pa rin ako.” At tinawag niyang Peniel ang lugar na iyon. Sumisikat na ang araw nang umalis siya roon at papilay-pilay na lumakad.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 32:22-31

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya