Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 21:9-11

Genesis 21:9-11 RTPV05

Minsan, nakikipaglaro kay Isaac si Ismael, ang anak ni Abraham kay Hagar na taga-Egipto. Nang makita ito ni Sara, sinabi niya kay Abraham, “Palayasin mo ang aliping iyan at ang kanyang anak, sapagkat ang anak ng aliping iyan ay hindi dapat makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac!” Labis itong ikinalungkot ni Abraham sapagkat anak din niya si Ismael.