Noong hindi pa ninyo nakikilala ang Diyos, kayo'y alipin ng mga diyus-diyosan, ngunit ngayong nakikilala na ninyo ang Diyos, o mas tamang sabihin, ngayong nakikilala na kayo ng Diyos, bakit kayo bumabalik sa mga tuntuning walang bisa at walang halaga? Bakit gusto na naman ninyong paalipin sa mga iyon? May itinatangi kayong mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon! Nag-aalala akong baka nasayang lamang ang pagpapagal ko para sa inyo. Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, tularan ninyo ako. Hindi na ako saklaw ng Kautusan, tulad ninyo noon. Wala kayong nagawang masama laban sa akin. Alam naman ninyo na kaya ko ipinangaral sa inyo noon ang Magandang Balita ay dahil nagkasakit ako. Gayunman, hindi ninyo ako tinakwil o tinanggihan, kahit na naging pasanin ninyo ako dahil sa aking karamdaman. Sa halip, tinanggap ninyo ako na parang anghel ng Diyos, at para pa ngang si Cristo Jesus! Nasaan ngayon ang kagalakang ipinamalas ninyo noon sa akin? Ako mismo ang makakapagpatotoo na kung maaari nga lamang pati ang inyong mga mata'y dudukitin ninyo at ibibigay sa akin noon. Ngayon, ituturing ba ninyo akong kaaway dahil sa sinasabi ko sa inyo ang katotohanan? Nagpapakita nga sa inyo ng malasakit ang mga taong iyan, ngunit hindi mabuti ang kanilang layunin. Nais lamang nila kayong ilayo sa akin upang sa kanila kayo mapalapit. Hindi masama ang magmalasakit, kung palaging mabuti ang layunin at hindi kung kaharap lamang ninyo ako! Mga anak ko, dahil sa inyo'y minsan pa akong nagdaranas ng hirap tulad ng babaing nanganganak, hanggang sa ganap kayong mahubog kay Cristo. Sana'y kasama ko kayo ngayon upang maiba ang tono ng aking pagsasalita sapagkat talagang nag-aalala ako tungkol sa inyo.
Basahin Mga Taga-Galacia 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Galacia 4:8-20
15 Days
We’ve heard that Jesus offers “life to the full” and we crave that experience. We want that life that’s on the other side of change. But what kind of change do we need? And just how do we go about the process of changing? In Kingdom Come you'll explore a new way to live the upside-down and inside-out life that God invites us into.
20 Araw
“Sa pananampalataya lamang” tayo ay naligtas, hindi sa anumang bagay na ating ginagawa upang maging karapat-dapat sa kaloob ng kaligtasan - iyon ang malinaw at direktang mensahe ng liham sa mga taga-Galacia. Araw-araw na paglalakbay sa Galacia habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas