Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. Kaya't ang Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan. Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Ang buhay mismo ni Cristo ang isinuot sa inyo na parang damit nang kayo'y mabautismuhan sa kanya. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.
Basahin Mga Taga-Galacia 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Galacia 3:23-29
20 Araw
“Sa pananampalataya lamang” tayo ay naligtas, hindi sa anumang bagay na ating ginagawa upang maging karapat-dapat sa kaloob ng kaligtasan - iyon ang malinaw at direktang mensahe ng liham sa mga taga-Galacia. Araw-araw na paglalakbay sa Galacia habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas