Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ezekiel 37:3-5

Ezekiel 37:3-5 RTPV05

Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?” Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.” Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh. Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay.