Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mangangaral 1:2-8

Ang Mangangaral 1:2-8 RTPV05

“Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral. Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito. Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito? Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makayanang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Ang Mangangaral 1:2-8

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya