Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mangangaral 1:1-5

Ang Mangangaral 1:1-5 RTPV05

Ito ang mga katuruan ng Mangangaral, ang anak ni David na hari ng Israel. “Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral. Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito. Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito? Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan.