Matapos niyang sabihin ito, napayuko na lamang ako at hindi makapagsalita. At may isang kahawig ng tao na biglang humipo sa aking labi at muli akong nakapagsalita. Sinabi ko sa aking kaharap, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing ito. Hindi po ako makapagsalitang tulad ninyo sapagkat wala nga akong lakas. Halos hindi ako makahinga.” Kaya muli niya akong hinipo at nanumbalik ang aking lakas. Sinabi niya sa akin, “Ikaw na labis na minamahal, huwag kang matakot. Ipanatag mo ang iyong kalooban at magpakatapang ka.” Pagkatapos niyang magsalita, tuluyan nang nagbalik ang aking lakas. Sinabi ko, “Magpatuloy kayo, ginoo, at naibalik na ninyo ang aking lakas.”
Basahin Daniel 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Daniel 10:15-19
30 Araw
Ang aklat ni Daniel ay parehong talambuhay ng isang taong naniwala sa Diyos at isang makahulang pangitain kung sino ang mamamahala sa daigdig. Araw-araw na paglalakbay kay Daniel habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas