Mga Taga-Colosas 4:17-18
Mga Taga-Colosas 4:17-18 RTPV05
At pakisabi ninyo kay Arquipo na ipagpatuloy ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon. Akong si Pablo ang siyang sumulat ng pagbating ito. Huwag ninyo sanang kalilimutan na ako'y nakabilanggo. Nawa'y sumainyo ang pagpapala ng Diyos.