Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Colosas 4:10-11

Mga Taga-Colosas 4:10-11 RTPV05

Kinukumusta kayo ni Aristarco, na bilanggo ring kasama ko, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol naman kay Marcos, mayroon nang bilin sa inyo na malugod ninyo siyang tanggapin pagdating niya riyan. Kinukumusta rin kayo ni Jesus na kilala rin sa pangalang Justo. Silang tatlo lamang ang mga Cristianong Judio rito na kasama ko sa pangangaral tungkol sa paghahari ng Diyos, at sila'y malaking tulong sa akin.