Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito. Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa inyo dahil sa ipinaggigiitan nilang mga bagay na di naman nakikita. Ngunit ang totoo, nagyayabang lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman. Hindi sila nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan. Siya rin ang nagdurugtong ng mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos. Kayo'y namatay nang kasama ni Cristo at hindi na sakop ng mga alituntunin ng mundong ito. Bakit pa kayo sumusunod sa mga alituntuning tulad ng “Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyan,” “Huwag gagalawin iyon”? Ang mga ito'y utos at katuruan lamang ng tao, at nauukol sa mga bagay na nauubos kapag ginagamit. Sa biglang tingin, tila nga makakabuti ang ganoong uri ng pagsamba at ang ganoong pagpapakumbaba at pagpapahirap sa sariling katawan. Ngunit ang mga ito ay hindi nakakapigil sa hilig ng laman.
Basahin Mga Taga-Colosas 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Colosas 2:16-23
11 Araw
"Panatilihing unahin si Jesus" ang pokus ng liham sa mga taga-Colosas, na nag-aalok ng tulong sa kung paano lumakad nang buong pagkakakilanlan kasama si Kristo. Araw-araw na paglalakbay sa Colosas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
25 Days
Don’t let the busyness and pressure of this holiday season rob you of the joy and true celebration of our Savior Jesus this December! Receive daily encouragement through Pastor Greg Laurie’s special Christmas devotions, as he reflects on the true meaning of this most celebrated time of the year. Harvest Ministries with Greg Laurie
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas