“Sa araw na iyon, ibabangon kong muli ang nawasak na kaharian ni David, at aayusin kong muli ang mga nasirang dako. Ibabalik ang mga guho; itatayo kong muli iyon, kagaya noong una. Sa gayon ay sasakupin ng Israel ang nalalabi sa lupain ng Edom at ang lahat ng bansang dati'y aking pag-aari,” sabi ni Yahweh na siyang gagawa ng mga bagay na ito. Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol. Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan. Itatayo nilang muli ang kanilang mga lunsod na nawasak, at doon sila maninirahan. Tatamnan nilang muli ang mga ubasan at sila'y iinom ng alak. Magtatanim silang muli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon. Ibabalik ko ang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila, at hindi na sila maaalis pang muli roon.” Si Yahweh na inyong Diyos ang nagsasalita.
Basahin Amos 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Amos 9:11-15
16 Araw
Si Amos, isang mangangaral sa bansa, ay pumunta sa malaking lungsod at kinondena ang kanilang makasalanang mga paraan, na sinasabing lahat tayo ay may pananagutan sa Diyos ayon sa liwanag na ibinigay Niya sa atin. Araw-araw na paglalakbay sa Amos habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas