Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan, at kayong umaapi sa mga dukha. Ang sabi ninyo sa inyong sarili, “Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang. Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani. Kailan ba matatapos ang Sabbath, para maipagbili namin ang mga trigo? Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan, at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili. Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak, at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas. At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.” Sumumpa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Hindi ko na mapapatawad ang masasama nilang gawa. Magkakaroon ng lindol sa lupa at mananangis ang bawat isa. Mayayanig ang buong bayan; tataas-bababâ ito na tulad ng Ilog Nilo.”
Basahin Amos 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Amos 8:4-8
7 Days
Nearly everyone agrees that this world is broken. But what if there’s a solution? This seven-day Easter plan begins with the unique experience of the thief on the cross and considers why the only real answer to brokenness is found in the execution of an innocent man: Jesus, the Son of God.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas